First time kitang nakatabing gising. Ang pangit pala ng
pakiramdam.
Buong highschool once lang kita nakatabi, tulog ka pa.
Alalang alala ko pa yun. Gray ang rubber shoes mo nun. Yun lang ang natitigan
ko sa sobrang conscious. Sobrang saya ko nun. Parang ang mga sandaling ganun
nakukuha mo lang kapag napili ang sulat mo sa “Wish ko lang.” hehe..
Kanina iba, kasi gising ka. Ngayon alam ko na ang ibig
sabihin ng ackward. Ang pangit ng pakiramdam. Hindi masaya.
Sana tulog ka na
lang. Kitang kita ko pa naman yung reflection mo sa salamin ni manong driver.
Di sana kung tulog ka, walang takot
kitang natitigan at nasubukan tunawin.
Sana naging
kaibigan kita. Pakiramdam ko kasi magiging magkasundo tayo e. Pati tipid sa
transpo, kasi kapitbahay lang kita. Pag gusto ko ng kasama magaral, hahatakin
lang kita.
Nakakamiss ka din pala. Nakakamiss yung mga panahon na ang
pagibig ay parang fairy tale pa. Nakakamiss talaga.Ang pagkamasunget mo lang hindi ko namiss. Hindi bagay sayo.