basta makinig ka lang..
:: fine. ano nananaman to? inaantok na ako no. may exam pa ako bukas.
ang kulet mo naman o. sandali lang to. five minutes.
:: naku, five minutes. kilala kita no. para kang basketball. dali na, ano ba to?
mahal kita.
:: o? mahal din kita. ok na? eto na ba yon? pucha naman Jay o. may exam pa ako sa bio bukas. wala ka talagang malasakit. goodnight na ha?
pucha naman o. anong goodnight?
:: goodnight as in ibababa ko na itong telepono. alam mo bang ala una na ng umaga? ok, 1:23 am na. o ayan ang saktong oras. at alam mo ba na 8 pa ang first class ko. at bio yun! bio!
mahal na mahal kita anne.
::hay.. mahal na mahal rin kita. ok na? masaya ka na. pucha yang trip mo ha. nakakabuang.
*puts the phone down*
::sira ulo. sira ulo ka talaga Jay.
pucha, hindi sineryoso. naka limang bote ako para lang masabi to, nauwi lang sa goodnight. puchang kanta yan, pauso uso pa kasi.
*1 message received* "anne, sorry ah. haha.. wala ako magawa e."
::gago, ansama ng ugali! grr.. "matulog ka na, goodnight. kumain ka na ba? iinom inom ka di mo naman kaya. mamaya maallergy ka pa." *message sent*
"oo naman. hehe.. kasama ko si cathy. nilabas ko e, nagdinner kami. napainom tuloy ako. hindi naman niya kasi alam na hindi talaga ako marunong uminom. kaw lang nakakaintindi na may rocker na sober. rhyme, o diba."
::"ayan tuloy. nakabihis ka na ba? may kasama ka ba jan? ok ka lang ba?"
"wala. tatawag ako uli. please sagutin mo ha. kung di, pupunta ako jan"
*phone rings*
::hello?
hi. kala ko di mo sasagutin.
::ok ka ba talaga diyan? ano ba problema? nag-away ba kayo ni cathy? basted ka ba?
hindi kami nagaway. pero mukang basted nga ako.
::sabi ko naman kasi sayo e. kotse mo lang gusto nun. kala mo lang mahinhin yun. matinik yun no. hilig kasi sa maganda e.
hindi naman yun ang problema e. hindi ako sineryoso.
::e kaya nga, nilaro ka lang. kasi ikaw e, tanga ka talaga.
mahal talaga kita anne. at hindi katangahan yun.
::cathy. cathy. lasing ka na talaga.
anne, makinig ka kasi. pwede?
TO BE CONTINUED